Underwater Search Sa Lumubog Na Mv Trisha Kerstin 3 nakumpleto na ng PCG, araw ng Lunes, February 23 kung saan, narekober ang 22 bangkay sa iba’t ibang parte ng barko; Diving operations ng PCG
- Feb 24
- 1 min read
iMINDSPH

Sinabi ni Coast Guard District Southwestern Mindanao Commander, Commodore Rejard Marfe PCG, na nakumpleto na ng PCG-Technical Diving Group ang full underwater search sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3, araw ng Lunes, February 3.
Ito ay matapos ang dalawampu’t pitong araw na high-risk technical wreck deep water diving operations sa vicinity waters ng Baluk-Baluk Island, Basilan.
Dagdag ng opisyal, mula January 28, 2026, puspusan ang naging diving operations ng PCG technical divers kung saan narekober sa iba’t ibang parte ng barko ang dalawampu’t dalawang bangkay sa gitna ng malakas na underwater currents, near-zero visibility dahil sa heavy siltation, submerged hazards, gayundin ang structural instability ng barko.
Sa kabila nito, naisagawa pa rin umano ng PCG-TDG ang sistematikong paghalughug sa Deck A, Deck B, car deck, maging ang mga sasakyan na karga ng barko, pati na rin ang engine room, bagama’t kontaminado na ito ng langis at mga debris.
Bagama’t na-search na ang buong barko, ayon sa PCG-TDG, magpapatuloy pa rin ang kanilang diving operations hanggang sa February 26 para magsagawa ng re-swiping procedures.
Ito’y upang matiyak na walang lugar ang maiiwang unchecked at makapagbigay ng kasiguruhan sa mga pamilyang naghihintay ng closure.
Ayon sa PCG, lahat ng kanilang diving operasyon ay dokumentado umano sa pamamagitan ng underwater video recordings para suportahan ang isinasagawang imbestigasyon.



Comments