UNDP, naghayag ng patuloy na suporta sa Human Development Programs sa pagitan ng MOLE BARMM
- Diane Hora
- 7 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa courtesy visit ng bagong representante ng United Nations Development Programme’s (UNDP) sa Pilipinas kay Ministry of Labor and Employment (MOLE) Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema, sinabi ni Christophe Bahuet na magpapatuloy ang kanilang suporta sa human development programs sa pagitan ng MOLE sa BARMM.
Isinagawa ang pulong February 4, 2026 sa lungsod ng. Cotabato.
Ibinahagi naman ng Labor Minister ang mga program at serbisyo na ipinatutupad ng MOLE sa buong rehiyon na naayon sa adhikain at agenda ng UNDP.
Tinukoy ng UNDP na nakatutok ang kanilang human development program support sa
governance, peacebuilding, economic transformation, at innovation sa pamamagitan ng technological advancements tulad ng artificial intelligence.



Comments