UNICEF at Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, pinalakas ang disaster response sa 5-araw na pagsasanay
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang pagsasanay sa Koronadal City mula Enero 5 hanggang 9, 2026, at ito ang ikatlong batch ng naturang programa. Layunin nitong patatagin ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga kalahok sa paghahanda at agarang pagtugon sa mga emergency, lalo na sa mga komunidad na higit na vulnerable sa kalamidad.
Pinangunahan ang mga sesyon ng mga resource person mula sa Bangsamoro READi at UNICEF, na may buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur. Kabilang sa mga kalahok ang mga kinatawan mula sa mga bayan ng Pagalungan, Datu Montawal, Rajah Buayan, Mamasapano, Talayan, Guindulungan, at South Upi, pati na rin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, mahalaga ang patuloy na pagsasanay upang matiyak na handa ang mga lokal na pamahalaan at responder sa mabilis, koordinado, at makataong pagtugon sa oras ng krisis.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, inaasahang mas mapapalakas ang proteksyon sa buhay at kabuhayan ng mga komunidad sa Maguindanao del Sur at mga karatig-lugar kapag tumama ang sakuna.



Comments