top of page

UNICEF Philippines, pinagtibay ang suporta sa edukasyon ng Bangsamoro sa pagbisita sa MBHTE

  • Diane Hora
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Muling pinagtibay ng United Nations Children’s Fund Philippines o UNICEF ang patuloy nitong suporta sa sektor ng edukasyon sa Bangsamoro matapos ang courtesy visit sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) nitong Enero 30, 2026.


Pinangunahan ni Kyungsun Kim, Country Representative ng UNICEF Philippines, ang delegasyon kasama sina Andres Wuestenberg, Chief ng Mindanao Field Office, at Gina Soriano, Education Officer.


Humarap sa mga ito si MBHTE Minister Mohagher Iqbal, at iba pang opisyal ng MBHTE.


Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng ugnayan ng MBHTE at UNICEF, ang pagpapatuloy ng suporta ng UNICEF sa mga programang pang-edukasyon, at ang pagpapahusay ng kakayahan at dedikasyon ng mga guro upang mapabuti ang learning outcomes ng mga mag-aaral sa rehiyon.


Ayon sa MBHTE, binigyang-diin ng magkabilang panig ang kahalagahan ng sustained partnership sa pagtugon sa mga hamon sa edukasyon, lalo na sa pagpapalawak ng access, pagpapataas ng kalidad ng pagtuturo, at pagtiyak na walang mag-aaral na maiiwan.


Ang pagpupulong ayon sa MBHTE ay nagpatibay sa pinagsasaluhang layunin ng MBHTE at UNICEF na isulong ang inklusibo, pantay, at de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page