top of page

UNIFIED DIGITAL SYSTEM palalakasin ng MSSD, UNICEF at GCASH sa BARMM

  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Upang mapabilis at mapag-isa ang paghahatid ng tulong pinansyal sa rehiyon, pinangunahan ng MSSD, katuwang ang UNICEF at GCash, ang isang coordination meeting kasama ang iba’t ibang Bangsamoro ministries, offices, and agencies (BMOAs) ngayong Marso 24, 2026 sa Cotabato City.


Dumalo sa pagpupulong ang mahigit 30 kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya upang palakasin ang koordinasyon at pag-isahin ang digital payment systems sa rehiyon.


Isa sa mga pangunahing tinalakay ang unified citizens card, na magsisilbing pangunahing access tool ng mga beneficiaries sa pagtanggap ng tulong pinansyal mula sa iba’t ibang ahensya. Layunin nitong pabilisin ang proseso, bawasan ang dokumento, at gawing mas episyente at inklusibo ang distribusyon ng tulong.


Binigyang-diin ni Director II Hasim Guiamil ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagsusulong ng digitalization:


Tinalakay rin sa aktibidad ang mga hamon sa paglipat sa digital system, lalo na sa mga komunidad na hindi pa pamilyar sa teknolohiya.


Samantala, ipinresenta ng GCash ang kanilang disbursement process kung saan ang unified citizens card ay magsisilbi ring ID at digital wallet para sa direktang pagtanggap ng tulong pinansyal.


Sa pagtatapos ng aktibidad, muling pinagtibay ng UNICEF ang kanilang suporta sa mga partner agencies upang maisulong ang patuloy na kaunlaran at inklusibong paglago sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page