UNIFIED LEGAL AID SERVICE (ULAS) RULES Nilagdaan ng Korte Suprema, CHR, NAPC, NCIP, at PCUP, upang palawakin ang akses ng mga mahihirap sa serbisyong legal sa bansa
- Mar 5
- 1 min read
iMINDSPH

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding, araw ng Martes, March 3 ang Korte Suprema, Commission on Human Rights, National Anti-Poverty Commission, National Commission on Indigenous Peoples, at Presidential Commission for the Urban Poor para sa pagpapatupad ng Unified Legal Aid Service o ULAS Rules.
Pinangunahan ang seremonya nina Chief Justice Alexander Gesmundo at Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Chairperson ng ULAS Board, kasama ang mga pinuno ng mga partner agency.
Kasabay nito ang paglulunsad ng ULAS Portal Phase 1, isang online platform para sa pagre-report at pag-monitor ng pro bono legal aid services ng mga abogado para sa mga mahihirap na Pilipino.
Sa ilalim ng ULAS Rules na ipinatupad noong February 3, 2025, kinakailangang makapagbigay ang mga saklaw na abogado ng hindi bababa sa 60 oras ng libreng serbisyong legal kada tatlong taon sa mga walang kakayahang kumuha ng abogado.
Layunin ng programa na mapabilis ang referral at pagtugon sa legal na pangangailangan ng mga mahihirap, katutubo, at iba pang sektor na limitado ang akses sa hustisya.



Comments