Upang matiyak ang maayos na pagpaplano at epektibong implementasyon ng Provincial Rice Techno Forum, nagsagawa ng coordinationg meeting ang provincial government ng MagSur
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Upang matiyak ang maayos na pagpaplano at epektibong implementasyon ng Provincial Rice Techno Forum, nagsagawa ng coordinationg meeting ang provincial government ng MagSur
Dinaluhan ang pulong ng mga pangunahing stakeholders, kabilang ang mga kinatawan mula sa PhilRice, NIA, mga concerned local government units, at mga private sector partners, kung saan tinalakay ang layunin, saklaw ng programa, at ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat ahensya na lalahok.
Sa pagpupulong, nagkaisa ang mga kalahok sa program flow, technical inputs, logistical arrangements, at target beneficiaries. Tinalakay rin ang mga priority interventions kaugnay ng pagpapabuti ng irrigation, paggamit ng makabagong teknolohiya, at pagpapalakas ng support services para sa mga magsasaka.
Pinagtibay ng coordination meeting ang inter-agency collaboration at naglatag ng iisang direksyon at malinaw na pagkakaunawaan upang masigurong magiging matagumpay at maayos ang pagsasagawa ng Provincial Rice Techno Forum.



Comments