top of page

Upgraded Official Receipt ng BLTO na may QR code, inilunsad ng MOTC BARMM

  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH


Opisyal nang inanunsyo ng MOTC ang malaking system upgrade ng Bangsamoro Land Transportation Office ngayong 2026, na layong tugunan ang matagal nang isyu sa pagkilala ng mga dokumento sa labas ng rehiyon.


Ito ay ang bagong upgraded Official Receipt o OR na may QR code, bilang bahagi ng modernisasyon ng kanilang serbisyo.


Sa pamamagitan ng QR code, maaari nang i-scan ang OR upang agad na lumabas ang detalye ng rehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office IT System OR/CR Verification Facility. Layunin nitong tiyakin ang pagiging authentic, updated, at lehitimo ng dokumento.


Ayon sa BLTO, konektado na rin ngayon ang kanilang database sa LTO National at sa LTO-IT System. Ibig sabihin, hindi na “disconnected” ang mga rekord ng mga sasakyang rehistrado sa BARMM. Kahit nasa Davao, Maynila, o anumang national highway, makikita na sa central database ang impormasyon ng sasakyan.


Malaking ginhawa rin umano ito ayon sa ministry sa mga motorista sa mga checkpoint. Sa halip na mahabang beripikasyon, maaari nang ipa-scan ang QR code upang agad na mapatunayan ng mga law enforcer ang pagiging valid ng OR.


Dagdag pa ng ahensya, ang upgrade ay tugon sa mga dating agam-agam ng mga motorista hinggil sa pagkilala sa mga dokumentong inisyu sa BARMM, lalo na kapag bumibiyahe sa labas ng rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page