Usapin hinggil sa pagpapatatag pa ng seguridad at kaayusan sa BARMM, usapin sa pulong sa pagitan nina ICM Abdulraof Macacua at PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman
- Diane Hora
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH

Ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng PNP PRO BAR at Bangsamoro Government para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ang ilan sa mga paksa na tinalakay sa pulong sa pagitan nina BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua at PNP PRO BAR Regional Director, Police Brigadier General Jaysen De Guzman, araw ng Martes.
Naniniwala si ICM Macacua na ang isang ligtas at mas matatag na Bangsamoro ay mahalaga sa ganap na pagsasakatuparan ng moral governance at sa matagumpay na pag-usad ng peace process.
Ayon kay Chief Minister Macacua, buo ang suporta ng BARMM Government sa security sector pagdating sa mga hakbang nito tungo sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.



Comments