Usapin hinggil sa peace process, sentrong tinalakay sa pulong sa pagitan ni MILF Chairman at dating BARMM ICM Ahod Ebrahim, at ng delegasyon mula sa Ireland
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Tinalakay sa courtesy meeting nina dating BARMM Interim Chief Minister, MILF Chairman Ahod Ebrahim at Irish Ambassador to the Philippines Emma Hickey ang usapin sa peace process.
Partikular na pinag-usapan sa pulong ang post-agreement implementation, confidence-building, at mga mekanismong nagsisiguro ng pagsunod ng lahat ng stakeholder sa mga napagkasunduan.
Kasama sa pulong sa MILF-CC Hall sa Camp Darapanan noong Enero 20, 2026 ang delegasyon ng Ireland si Bertie Ahern, dating Punong Ministro ng Ireland at isa sa mga pangunahing arkitekto at lumagda sa Good Friday Agreement, gayundin sina Erica Duffy, Deputy Head of Mission, at mga kinatawan ng Conciliation Resources na sina Ciaran O’Toole at Exan Sharief.
Binigyang-diin sa pag-uusap ang magkakatulad na hamon na kinahaharap ng mga post-conflict societies—kabilang ang Ireland at Bangsamoro—lalo na sa pagsasalin ng mga kasunduang pulitikal tungo sa pangmatagalan at matatag na kapayapaan sa antas ng komunidad.
Sa kanyang pahayag, muling iginiit ni Chairman Murad ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na international engagement, inklusive dialogue, at mahigpit na pagsunod sa mga napagkasunduang kasunduan bilang mahahalagang haligi sa konsolidasyon ng kapayapaan at katatagan sa Bangsamoro, maging sa loob at labas ng rehiyon.



Comments