Usapin sa Cotabato Airport runaway, isa sa mga binigyang pansin ng DOTr sa pagdinig na dinaluhan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Isang critical na hakbang ayon kay Congresswoman Bai Dimple Mastura ang pagtalakay sa estado ng Cotabato Airport runway sa ginanap na pagdinig kung saan panauhin ang mga opisyal ng DOTr.
Ito ay para mas mapabilis, mas gawing ligtas, at mas paunlarin pa ang biyahe papasok at palabas ng lungsod.
Naghayag ng suporta ang kongresista sa mga proyekto ng kagawaran lalo na aniya sa mga proyekto na may direktang epekto sa mga taga Maguindanao del Norte.
Kung may maayos na daan, paliparan, at sistema ng biyahe ayon sa kongresista mas mabilis umano ang pagdating ng oportunidad, negosyo, at serbisyo para sa lahat.



Comments