Usapin sa financial at bidding processes, sentrong tinalakay sa pagpapatuloy ng inquiry ng Blue Ribbon Committee ng BTA hinggil sa umano’y irregular transactions ng MBHTE
- Diane Hora
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pagpapatuloy ng inquiry ng Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y irregular transactions ng MBHTE, araw ng Huwebes, September 18, tinalakay ang usapin sa financial at bidding processes ng kinukwestiyon na mga transakyon kabilang na ang procurement ng learning resources, ang school-based feeding program, at school infrastructure projects sa buong BARMM region.
Nilinaw ng Awards Committee secretariat head, Mobarak Pandi, na ang mga procured books at learning materials ay accredited at sumunod sa standards na itinakda ng Education Department.
Sinabi naman ng Health and Nutrition Head ng MBHTE na si Giselle Amera Ali na ang school-based feeding program ng ministry na itinulad sa national initiative, ay naglalayong labanan ang malnutrition at mapahusay ang nutrition at academic performance ng Bangsamoro learners.
Ayon kay Administrative and Finance Director Samera Monib makakatulong ang inquiry para mapalakas ng ministry ang internal at external systems nito lalo na sa procurement at payment processes.
Hiniling naman ng komite sa MBHTE na magsumite ng karagdagang supporting documents para sa committee report na ipipresinta sa plenary para sa patuloy na paghimay sa usapin.



Comments