Usapin sa kasalukuyang kalagayan at direksyon ng Bangsamoro government, tinalakay sa ginanap na Sammy GamBARMM s Moral Governance Dialogue Series: Community Caravan sa Barangay Bayanga Norte
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa dayalogo, nagbahagi ng kaalaman ang mga kinatawan ng Bangsamoro Youth Commission, Office of the Cabinet Secretary, at Ministry of Science and Technology - BARMM. Kabilang sa mga tinalakay ang kasaysayan at istruktura ng BARMM, ang 12-point priority agenda, mga policy directives ni Chief Minister Abdulraof Sammy Gambar A. Macacua, at ang mga scholarship programs na iniaalok ng ministry.
Upang maging mas engaging ang programa, aktibong lumahok ang mga kabataan at elders sa mga interaktibong aktibidad at games, kung saan may mga nanalong premyo.
Namahagi rin ang mga facilitator ng mga Project Tabang kits sa mga Markadz at sa cooperating local government unit bilang suporta sa komunidad.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Strategic Communications Team ng Office of the Chief Minister sa mga implementing partners na naging susi sa tagumpay ng aktibidad, kabilang ang mga opisyal ng BLGU ng Barangay Bayanga Norte at ang Jamiat Iranun.
Ayon sa organizers, layon ng Dialogue Series na palalimin ang kaalaman ng mga lokal na komunidad tungkol sa kasalukuyang estado ng rehiyon at palakasin ang kanilang partisipasyon sa community building sa pamamagitan ng pagpapalakas ng boses ng mamamayan isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at makataong pamamahala sa BARMM.



Comments