top of page

Usapin sa peace process, seguridad at kapayapan sentrong tinalakay sa pulong sa pagitan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at ambassadors mula sa Sweden, Denmark, Finland at Norway

  • Sep 17, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Bumisita at nakipagpulong kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua si Ambassador Anna Ferry ng Sweden, Ambassador Franz-Michael Mellbin ng Denmark, Ambassador Saija Nurminen ng Finland, at Ambassador Christian Halaas Lyster ng Norway, kasama si Nikki Delfin, Senior Adviser ng Norway, at si Director Al-Bari Macalawan ng DFA Mindanao.


Sa pulong, muling pinagtibay ang ugnayan at suporta ng mga nabanggit na internasyonal na partners upang ipagpatuloy ang peace process, patatagin ang seguridad at kapayapaan, at isulong ang napapanatiling kaunlaran para sa rehiyon.


Ang lahat ng ito ayon kay ICM Macacua ay nakaugat sa prinsipyo ng Moral Governance.


Ayon kay Chief Minister Macacua, ang nasabing pag-uusap ay patunay ng pagkakaisa at iisang bisyon sa pagitan ng Bangsamoro at ng mga bansang katuwang sa paghubog ng mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na hinaharap.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page