UTILITY WORKER, PATAY SA PAMAMARIL Habang naglalakad malapit sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si alyas "Jemar", 40 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Nangyari ang insidente alas 9:50 ng umaga, araw ng Linggo, March 22.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad umano ang biktima ilang metro lang ang layo mula sa kanyang bahay nang bigla siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.
Nagtamo ng tama ng bala sa leeg at dibdib ang biktima at agad na dinala ng mga rumespondeng pulis sa Buluan District Hospital para sa agarang lunas, subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Nakarekober ang mga awtoridad ang anim na basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa 5.56 na uri ng baril.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang mga salarin.



Comments