top of page

Van driver at asawa nito na high-value target, arestado sa buy-bust operation sa President Quirino, Sultan Kudarat; ₱340K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Feb 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang van driver at asawa nito na parehong high-value target sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga.


Kinilala ang mag-asawang high-value target na sina alyas “Abu”, 54 years old, van driver, at asawa nitong si alyas “Meriam”, 49 years old, residente ng Brgy. Bayawa, President Quirino.


Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang ₱340,000, buy-bust money, isang android cellphone, glass tooter, at isang puting mini van.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.


Inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page