Vice Governor Datu Marshall Sinsuat, naniniwala na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng sigalot, kundi ang pagkakaroon aniya ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at pag-asa para sa lahat
- Diane Hora
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

Ang kapayapaan ay hindi lamang trabaho ng iisang tao kung responsibilidad ng lahat. Ito umano ang tumatak kay Maguindanao del Norte Vice Governor Datu Marshall Sinsuat sa ginanap na Local Government Peace and Development Summit 2025.
Naniniwala ang bise gobernador na ang tunay na kapayapaan aniya ay hindi lamang kawalan ng sigalot, kundi ang pagkakaroon ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at pag-asa para sa lahat.
Isa si Vice Governor Sinsuat sa mga dumalo sa summit kasama ang mga elected officials mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon.
Bilang isang lingkod-bayan, patuloy umano niyang isusulong ang mga programang nakatuon sa pangkaunlaran, dahil dito aniya nakaugat ang tunay at pangmatagalang kapayapaan.



Comments