Vice Governor Hisham Nando, dumalo sa Municipal Musabaqah sa Paglat, MDS
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Personal na dumalo si Maguindanao del Sur, Vice Governor Ustadz Hisham Nando sa isinagawang Municipal Musabaqah sa bayan ng Paglat.
Idinaos ito sa Madrasah Datu Conte Mangelen Al-Islamie Inc., Sitio Kiludan, Barangay Damalusay, Paglat, kung saan labintatlong tradisyunal na Madrasah ang lumahok upang ipamalas ang kahusayan ng mga mag-aaral sa Qur’anic recitation, Islamic knowledge, moral values at sports activities.
Layunin nitong palakasin ang islamic education at moral na paghubog ng mga kabataang Bangsamoro.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Governor Nando ang kahalagahan ng edukasyon bilang haligi ng pag-unlad ng indibidwal at komunidad.
Hinimok din niya ang mga kabataan na pagsikapang pag-aralan ang parehong secular at Arabic education nang may kasipagan at katapatan, sapagkat ang tunay na karunungan, aniya, ay nagpapayabong hindi lamang sa isip kundi pati sa moral at espiritwal na pundasyon ng bawat mag-aaral.
Dumalo rin sa nasabing programa ang iba pang opisyal ng Sangguniang Panlalawigan at mga Ustadzes na mula sa iba’t ibang Madrasah at Mahad.



Comments