top of page

Vice Mayor Johair Madag at Union of Muslim Youth, nanawagan sa BTA Parliament na dapat ay magkaroon ng transparent mapping, patas at walang mangyayaring gerrymandering sa districting sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • Dec 9
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Dapat magkaroon ng transparent mapping, patas at walang mangyayaring gerrymandering sa districting sa Cotabato City. Ito ang panawagan ni Vice Mayor Johair Madag at ng grupong Union of Muslim Youth sa BTA Parliament. Inilatag ng bise-alkalde ang saloobin sa ginanap na public hearing hinggil sa districting bill sa Cotabato City.


Inihayag ito ng bise-alkalde sa isinagawang public consultation hinggil sa proposed measures sa Cotabato City, araw ng Lunes, December 8.


Nagharap ang mga mambabatas sa ika-limang leg ng public consultation matapos ang serye ng pagdinig sa hinaing ng mga residente ng Tawi-Tawi, Basilan, Special Geographic Area at Lanao del Sur, hinggil sa usapin.


Kinikilala ni BTA Floor Leader at Spokesperson John Anthony “Jet” Lim ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections kaugnay sa pagsasagawa ng kauna-unahang Parliamentary Elections sa BARMM.


Sinabi naman ni Atty. Benedicto Bacani ng Institute for Autonomy and Governance na gawin na sa lalong madaling panahon ang pagpasa ng panukalang batas, sundin ang naging kautusan ng Korte Suprema at tiyakin na maidadaos ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa susunod na taon.


Sa ilalim ng Parliament Bill Nos. 403, 407, 408, 411 at 415, ang Cotabato City ay magkakaroon ng tatlong parliamentary districts.


Ang tanging pagkakaiba ayon sa BTA ay kung paano hatiin ang mga barangay sa lungsod para maging isang distrito.


Pinahahalagahan ni Committee on Local Government Chair Naguib Sinarimbo ang public input, aniya, tumanggap na maraming substantial positions ang komite, at lahat ng ito ay ikokonsidera umano para matiyak ang isang patas at inclusive districting law.


Magpapatuloy ang public consultations sa Maguindanao del Sur sa araw ng Miyerkules, December 10 at December 12 naman sa Maguindanao del Norte.


Target ng Bangsamoro Parliament na maipasa ang districting bill ngayong buwan, isang hakbang na ayon sa mga residente ay mahalaga upang masunod March elections na schedule.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page