top of page

Vice President Sara Duterte, mariin na kinondena ang pananambang ng teroristang grupo sa Munai, Lanao del Norte na ikinasawi ng 4 at ikinasugat ng 1 sundalo

  • Jan 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Ayon sa Pangalawang Pangulo, ang insidente ay isang malinaw na banta at hamon sa kapayapaan at seguridad ng bansa, at hindi dapat palampasin ng pamahalaan.


Nanawagan si Vice President Duterte sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tiyaking papanagutin ang mga nasa likod ng pag-atake at hindi titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa apat na nasawing sundalo.


Binigyang-diin din niya ang responsibilidad ng pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan laban sa banta ng kriminalidad, terorismo, at anumang pwersang naglalayong maghasik ng takot at kaguluhan sa bansa.


Dagdag pa ng Bise Presidente, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa upang hindi manaig ang mga kriminal sa ating mga komunidad, sapagkat sa kapayapaan at kaayusan nakasalalay ang kalayaan at kaunlaran ng bayan.


Nakikiisa rin si Vice President Duterte, kasama ang buong Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, sa pagluluksa ng mga naiwang pamilya at ng buong hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagpanaw ng apat na magigiting na sundalo.


Ayon sa kanya, ang kanilang kabayanihan at sakripisyo sa paglilingkod sa bayan ay mananatiling buhay sa alaala ng sambayanan.


Sa huli, muling nanawagan ang Pangalawang Pangulo ng pagkakaisa at katatagan ng mamamayan laban sa terorismo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page