Voter registration para sa BSKE, ipinagpatuloy na ng COMELEC simula January 2, 2026 matapos ang holiday season
- Jan 5
- 1 min read
iMINDSPH

Itinakda ng COMELEC ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon simula noong Octobrert 20, 2025. Sinuspendi ito noong UNDAS at sa katatapos na holiday season.
Simula a-2 ng Enero 2026, ipinagpatuloy na ng COMELEC ang voter registration na magtatapos hanggang sa May 18, 2026.
Pinaalalahanan ng COMELEC ang publiko na samantalahin ang itinakdang panahon ng voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Nobyembre 2, 2026.
Ayon pa sa komisyon na bukas ang mga tanggapan nito hanggang Mayo 18, 2026 sa buong bansa, para sa mga bagong botante at sa mga nais mag-update o mag-correct ng kanilang voter records.
Sinabi naman ng COMELEC na isasagawa ang voter registration sa BARMM pagkatapos ng kauna-unahang Parliamentary Elections sa rehiyon.
Hinimok ng komisyon ang publiko, lalo na ang mga botante sa Mindanao, na agad magparehistro at tiyaking updated ang kanilang voter records upang matiyak ang karapatang makaboto sa BSKE. Bukas ang mga tanggapan ng COMELEC mula Lunes hanggang Sabado, sa itinakdang oras ng opisina.



Comments