Voters’ Education ng COMELEC na itinakda ngayong araw, pansamantalang ipinagpaliban dahil hindi makakadalo si BIAF Chief of Staff, BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Al-Mansoor” Macacua
- Diane Hora
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinagpaliban ang pagsasagawa ng BIAF VOTERS EDUCATION ng COMELEC na nakatakda sanang isagawa ngayong araw.

Ayon sa anunsyo, hindi makakadalo sa pagtitipon ngayong araw si BIAF Chief of Staff, BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Al-Mansoor” Macacua.
Itinakda ngayong araw, September 4 ang sana’y BIAF Voters Education ng COMELEC sa Grand Mosque Quadrangle, Brgy. Kalanganan II, Cotabato City.
Ito ay upang malaman ang pamamaraan ng Bangsamoro Parliamentary Elections na naiiba sa nakasanayan nating eleksyon na bahagi ng paghahanda sa paparating na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa darating na October 13, 2025.
Pero, ipinagpaliban muna ito.
Ayon sa advisory, hindi makakadalo sa itinakdang aktibidad ngayong araw si BIAF Chief of Staff, BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Al-Mansoor” Macacua kaya ipinagpaliban ito.
Sa ngayon, wala pang ibinigay na petsa ang BIAF kung kelan ito gaganapin.



Comments