top of page

WALANG FARE INCREASE at hindi totoo ang P20.00 na singil sa pamasahe sa Cotabato City ayon sa MOTC BARMM at NDVOTC

  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Balik pasada na ang mga driver ng NDVOTCO matapos ang isinagawang pagpupulong sa pagitan ng transport groups, mga konsehal, at ni Vice Mayor Johair Madag kahapon, kung saan napagkasunduang ipagpatuloy ang operasyon.


Binigyang linaw naman ng Federation President ng Cotabato City Transport na si Khadaffy Macapendeg na walang ipinatutupad na fare increase. Hindi rin aniya totoo ang P20.00 na pamasahe sa Cotabato City.


Nilinaw naman ng pamunuan ng MOTC na ang anumang ₱20 na ibinabayad ay hindi opisyal na pamasahe at hindi rin ito aprubado ng ahensya.


Samantala, nanawagan ang pamunuan ng transport group sa kanilang mga driver na pairalin ang maayos na pakikitungo sa mga pasahero.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page