Walong ( Traditional Madaris Learners ng Ubay Bin Ka’ab Qur’anic Institute, Inc. ang tumanggap ng tig-₱4,000.00 na cash assistance mula sa tanggapan ni BTA Deputy Speaker Ishak Mastura
- Dec 30, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Tumanggap ng tig-₱4,000.00 na cash assistance ang walong (Traditional Madaris Learners ng Ubay Bin Ka’ab Qur’anic Institute, Inc. mula sa tanggapan ni BTA Deputy Speaker Ishak Mastura bilang suporta sa kanilang patuloy na pag-aaral ng Banal na Qur’an noong Disyembre 23, 2025.
Ang tulong-pinansyal ay ipinagkaloob sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund ng mambabatas bilang bahagi ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan at pagpapatibay ng edukasyong panrelihiyon sa rehiyon.
Isinakatuparan ang aktibidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education–BARMM, sa pamumuno ni Mohagher Iqbal, at sa paggabay ng Bureau of Madaris na pinamumunuan ni Tahir Nalg.
Layunin ng programa na hikayatin at suportahan ang mga kabataang Bangsamoro na nagsisikap sa pag-aaral ng Qur’an habang tinutugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa edukasyon. Bahagi rin ito ng mas malawak na adbokasiya ng Bangsamoro Government na palakasin ang kaalaman, pananampalataya, at moral na paghubog ng kabataan bilang pundasyon ng isang mapayapa at maunlad na komunidad.



Comments