top of page

Wanted na kasapi ng Dawlah Islamiyah (DI)-Hassan Group, na nahaharap sa kasong multiple murder, destructive arson at paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2022.

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ng awtoridad ang isang wanted na kasapi ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group.


Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pamahalaan ang isang wanted na kasapi ng Dawlah Islamiyah (DI)–Hassan Group sa Barangay Ligao, Palimbang, Sultan Kudarat, October 29.


Ang naarestong indibidwal ay nakilala sa alyas na “Migi”, na nahaharap sa kasong Multiple Murder, Destructive Arson, at paglabag sa Republic Act No. 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.


Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division 12, RDB–Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion 12, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) 12, NICA DVI, at Palimbang Municipal Police Station matapos ang masusing surveillance at operational planning.


Nakarekober ng mga awtoridad ang isang hinihinalang Anti-Personnel Mine mula sa suspek.


Batay sa imbestigasyon at background verification, si alyas “Migi” ay isang aktibong kasapi ng DI–Hassan Group na nakabase sa Maguindanao area. Dati umano itong kasapi ng Ansar Al-Khilafa Philippines at ikalawang tauhan ni alyas “Tokboy”, ang yumao at dating pinuno ng AKP. Kabilang din umano ito sa mga nakasagupa ng puwersa ng gobyerno sa isang engkuwentro sa Barangay Daliao, Maasim, Sarangani Province.


Matapos umano mamatay si alias “Tokboy”, umalis si alias “Migi” sa AKP sa kabila ng naunang pangako ng nasawing lider na siya ang susunod na mamumuno sa grupo. Pagkatapos nito, sumapi umano ang suspek sa DI–Hassan Group.


Ang naarestong suspek ay ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at dinala sa Palimbang Municipal Police Station para sa medical examination, dokumentasyon, at wastong disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page