top of page

Wanted person, arestado; Ilegal na droga, nasabat sa South Cotabato

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang wanted person at nasugpo ang ilegal na sugal at ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad.


Sa Surallah, naaresto ng mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station ang isang 23-anyos na babae sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft na inisyu ng RTC Branch 53, Davao City, na may inirekomendang piyansang ₱40,000.00. Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa wasto at legal na disposisyon.


Samantala, sa isang hiwalay na operasyon sa Polomolok, tatlong indibidwal ang naaresto matapos maaktuhang nagsusugal. Nasamsam sa operasyon ang mga gambling paraphernalia, at inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 upang ihain sa tanggapan ng Provincial Prosecutor.


Bukod dito, nagsagawa ng Search Warrant Operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 35-anyos na lalaki at pagkakakumpiska ng labimpitong (17) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 11 gramo. Isinagawa ang wastong inventory at dokumentasyon sa presensya ng mga itinalagang saksi.


Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, habang patuloy ang paghahanda ng mga kaukulang dokumento sa pamamagitan ng inquest proceedings.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page