top of page

Wanted Person, arestado sa Malita, Davao Occidental, kaugnay sa kasong Direct Assault

  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ang isang Wanted Person matapos isilbi ng Davao Occidental Police Provincial Office ang warrant of arrest sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO). Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Caroy”.


Inaresto ang suspek bandang 5:00 ng hapon noong Enero 15 sa Sitio Sulok, Barangay Tanglad, Sta. Maria, Davao Occidental.


Ang suspek ay may aktibong warrant of arrest sa kasong Direct Assault sa ilalim ng Criminal Case No. 10625, na inisyu ni Clarissa Marzon Superable, Presiding Judge ng MCTC, 11th Judicial Region, Malita–Sta Maria–Don Marcelino.


Ang bail para sa pansamantalang kalayaan ay itinakda sa halagang ₱37,000.00.


Dinala sa Sta. Maria Municipal Police Station ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page