WANTED PERSON, TIMBOG sa Lanao del Norte dahil sa kasong Estafa
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Lanao del Norte—
Isang wanted person ang naaresto sa isinagawang operasyon ng pulisya dahil sa kasong estafa. Kinilala ang naarestong suspek na isang 36-anyos na lalaki, may asawa, at residente ng Kapatagan, Lanao del Norte, na kasalukuyang naninirahan sa Las Piñas City.
Isinagawa ang operasyon ng Nunungan Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court kaugnay ng kasong estafa.
Matagumpay na naisilbi ang warrant laban sa suspek na may criminal case number 21-5034 na may petsang August 15, 2022, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱48,000.
Agad na inaresto ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Kapatagan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Sasailalim ang suspek sa kaukulang proseso habang inihahanda ang mga susunod na legal na hakbang laban sa kanya.



Comments