top of page

WAR MATERIALS, NAREKOBER sa combat clearing operation sa Lanao del Sur; Mga kagamitan sa paggawa ng armas at pampasabog, narekober din

  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Lanao del Sur—

Narekober ng militar ang iba’t ibang war materials at kagamitan sa paggawa ng armas sa isinagawang operasyon sa Marogong. Narekober ang mga war materials tulad ng limampung piraso ng tube o barrel para sa caliber .50, isang propellant cartridge, limang Barrett suppressors, tatlong magazine para sa Barrett, dalawampung wooden frames ng Barrett, apat na burners para sa caliber .50, dalawang scope, isang 60mm tube, at isang granada.


Kabilang sa mga narekober ang mga sirang kagamitan gaya ng milling machine, dalawang lathe machine, drill press, welding machine, power hacksaw, anvil, at jack stand.


Ayon sa ulat, ang lugar ay dati umanong pinamugaran ng Daulah Islamiya–Maute Group.


Isinagawa ang operasyon ng tropa ng 101st Infantry Brigade, kung saan narekober ang iba’t ibang war materials at kagamitan.


Pinangunahan ang operasyon ng 64th Infantry Battalion, kasama ang Scout Platoon, Bravo Company, Alpha Company, at intelligence operatives.


Ayon sa militar, bahagi ito ng kanilang patuloy na operasyon upang mapigilan ang muling paggamit ng mga armas at mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page