top of page

WELFARE GOODS Mula sa MSSD BARMM, tinanggap ng 548 pamilya na apektado ng baha sa Nothern Kabuntalan

  • Mar 3
  • 1 min read

iMINDSPH



548 pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Northern Kabuntalan ang tumanggap ng welfare goods mula sa MSSD BARMM.


Isinagawa ang pamamahagi sa Municipal Covered Court ng Northern Kabuntalan noong Pebrero 28, 2026.


Bawat pamilya ay nakatanggap ng tulong na naglalaman ng 25 kilo ng bigas, mga de-latang pagkain, at kape bilang suporta upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan matapos ang kalamidad.


Isinagawa ang pamamahagi sa ilalim ng Emergency Relief Assistance (ERA) program na naglalayong maghatid ng mabilis at agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng anumang uri ng sakuna.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page