WELFARE GOODS Tinanggap ng 𝟰𝟬𝟬 dating 𝗰𝗼𝗺𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻 mula sa MSSD BARMM
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

400 former combatants sa lalawigan ng Basilan ang tumanggap ng welfare goods mula sa MSSD Basilan Coordinating Office sa isinagawang Preventing Against Violent Extremism (PAVE) 2.0 Program ng Provincial Local Government of Basilan, mula Pebrero 19 hanggang Pebrero 22, 2026.
Isinagawa ang pamamahagi sa iba’t ibang headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa probinsya ng Basilan, kung saan bawat former combatant ay nakatanggap ng 25 kilo ng bigas, canned goods, at instant coffee.
Layunin ng pamamahagi ayon sa MSSD na matiyak na mabibigyan ng sapat na pangunahing pangangailangan, partikular ang pagkain, ang mga dating kasapi ng combatant groups bilang suporta sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay at reintegration sa komunidad.
Patuloy ang MSSD sa pagbibigay ng angkop na tulong sa mga nangangailangan batay sa kanilang partikular na pangangailangan, upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pang-araw-araw na pamumuhay, mahikayat ang mas aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng komunidad, at mapabuti ang kanilang kalagayan sa rehiyon.



Comments