WFP, nagtungo sa bayan ng Sultan Mastura para alamin ang Home-Grown School Feeding Program o HGSF sa bayan ng Sultan Mastura kasama si WFP Goodwill Ambassador KC Concepcion
- Diane Hora
- Sep 11
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtungo sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang United Nations World Food Programme o WFP kasama si Goodwill Ambassador, KC Concepcion.
Partikular na binisita ng WFP ang Sultan Mastura Vegetable Producers Cooperative sa Brgy. Macabiso.
Ito ay upang makita ang pagpapatupad ng Home-Grown School Feeding Program (HGSF) na sumusuporta sa nutrisyon ng kabataan at sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Pinangunahan ito ni Dipayan Bhattacharyya, WFP Deputy Country Director.
Mainit na tinanggap ng LGU ang mga opisyal ng WFP sa pangunguna ni Datu Rauf Mastura, CPA, Municipal Administrator.
Sa ilalim ng HGSF, mahigit 1,434 na mag-aaral mula sa tatlong paaralan sa Sultan Mastura ang nakakatanggap ng masustansyang pagkain araw-araw, gamit ang gulay at ani mula mismo sa mga lokal na magsasaka.
Nagtungo rin ang delegation ng WFP kasama si KC Concepcion sa Datu Panda Elementary School sa Brgy. Solon upang personal na masaksihan ang feeding program para sa mga kabataan.



Comments