top of page

WOMEN’S MONTH CELEBRATION Ikinasa ng MSSD Masiu Unit Office na nilahukhan ng mahigit 500 indibidwal

  • Mar 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa paggunita sa National Women’s Month, nagsagawa ng kick-off ceremony ang MSSD Masiu Unit Office sa bayan ng Masiu noong Marso 3, 2026, na ginanap sa municipal gymnasium ng nasabing bayan.


May temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” layunin ng aktibidad na kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa nation-building at hikayatin ang kanilang aktibong partisipasyon sa pamumuno na may integridad, malasakit, at pananagutan.


598 kalahok ang dumalo sa programa, na binubuo ng 541 kababaihan at 57 kalalakihan. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kawani ng MSSD, Rural Health Unit (RHU), Municipal Islamic Affairs Office, Local Government Unit (LGU), at mga beneficiaries ng mga programang Dakila, Unlad, at 4Ps.


Tampok din sa aktibidad ang talakayan sa Module 5 ng Women Empowerment, na nakatuon sa sexual and reproductive health, gayundin ang mahalagang papel ng kababaihan sa spiritual at community development.


Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng MSSD sa pagsusulong ng gender equality at pagpapalakas ng kababaihan sa komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page