WOMEN’S MONTH CELEBRATION Isinagawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; Layong palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng kababaihan sa lipunan
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahalagang patuloy na maunawaan ng kababaihan ang kanilang mga karapatan at kontribusyon, kasabay ng sama-samang pagkilos upang maisulong ang kaunlaran. Ito ang sinabi ni Maguindanao del Norte Provincial Chief of Staff Bai Shajida Mastura sa pagdiriwang ng probinsya ng Women’s Month.
Naging makulay naman at puno ng inspirasyon ang pagdiriwang ng lalawigan sa ginanap na programa sa Provicial Government Center gymnasium sa Simuay Sultan Kudarat, araw ng Lunes.
Tampok ang mga talakayan hinggil sa women’s rights sa Islamic perspective, mga batas at polisiya tulad ng Violence Against Women and Children o VAWC, gender equality awareness, at mental health and psychosocial support.
Nagkaroon din ng empowerment sessions, pagbabahagi ng inspirasyonal na testimonya, libreng konsultasyon at serbisyo, at pamamahagi ng impormasyon ukol sa mga programang sumusuporta sa kapakanan ng kababaihan.



Comments