top of page

WOMEN’S MONTH Ipinagdiriwang sa Lanao del Sur sa pangunguna ng MSSD na nilahukan ng 120 kababaihan mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya

  • Mar 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa pangunguna ng MSSD Lanao del Sur B Provincial Office, layunin ng programa na maipakita ang patuloy na pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at pamumuno ng kababaihan sa Bangsamoro.


Sinabi ng MSSD, tampok sa programa ang talakayang “Women in Islam” na inilahad ni Deputy Minister Ustadhah Nur-Ainee Tan Lim, kung saan binigyang-diin ang mahalagang katayuan at kontribusyon ng kababaihan sa Islam at lipunan.


Samantala, tinalakay ni Prof. Rajima Dimaampao ng MSU–Marawi City ang paksang “Women Economic Leadership”, na nakatuon sa pagpapalakas ng partisipasyon ng kababaihan sa larangan ng ekonomiya at pamumuno.


Nagkaroon din ng open forum upang mabigyang pagkakataon ang mga kalahok na magbahagi ng kanilang pananaw at karanasan. Ipinresenta rin ang Helpline Awareness upang higit na maipabatid ang mga serbisyong maaaring lapitan ng publiko.


Tinapos ang programa sa pamamahagi ng family food packs na naglalaman ng 25 kilong bigas, kape, mga de-latang pagkain, at malong. Nagbigay rin ng mga assistive devices sa mga matatandang kababaihan bilang karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.


Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng kababaihan bilang mga lider at katuwang sa paghubog ng mas inklusibo at maunlad na lipunan sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page