top of page

World Food Programme, nagsagawa ng Meeting Agenda para sa pagpapalawak ng Home-Grown School Feeding Program sa Bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • Oct 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ng World Food Programme katuwang si Sultan Mastura Datu Armando Mastura, ang pagpupulong hinggil sa mga naging ulat sa pagpapatupad at tagumpay ng Home-Grown School Feeding Programme sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte noong a dise-syete ng Oktubre.

Dinaluhan ito ng mga guro mula sa tatlong pampublikong paaralan at ng Sultan Mastura Vegetables Producers Cooperative, upang talakayin ang mga ulat sa pagpapatupad, mga kinakaharap na hamon at mga susunod na hakbang para sa pagpapaigting ng programa.

Tinalakay din sa pagpupulong ang mahahalagang usapin tulad ng Accomplishment at Updates, Challenges, Procurement Process, FY 2026 HGSF Budget, MOA Addendum, at Actionable at mga susunod na hakbang ng programa.

Ibinahagi ng WFP ang mga naging tagumpay ng HGSF, kabilang ang matagumpay na feeding operations sa Datu Panda Elementary School, Darping Elementary School at Tambo Elementary School, kung saan umabot sa 1,454 mag-aaral ang nakinabang sa tulong ng Sultan Mastura Vegetables Producers Cooperative.

Binigyang-diin din ang mga isyung may kinalaman sa procurement process at logistics coordination, gayundin ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga guro at feeding coordinators upang mas mapabuti pa ang implementasyon ng programa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page