top of page

YOUTH FOR PEACE, ENVIRONMENT AT SPORT CAMPAIGN Pinangunahan ng Strategic Communications Team ng OCM sa Camp Suran.

  • Apr 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa unang araw, tinalakay ang Mas Matatag na Bangsamoro Framework upang mas maunawaan ng mga kabataan ang layunin ng mas matibay at matatag na rehiyon.


Nagbahagi rin ng kaalaman si Sheikh Bukhari Camama ng Bangsamoro Darul-Ifta' BARMM, tungkol sa papel ng kabataan sa Islam, habang pinangunahan naman ni Nur-Jamil Ebrahim ng MPAYOi, ang isang youth-to-youth talk na nagbigay-diin sa impluwensya ng kapwa kabataan at pagkilos sa komunidad.


Bilang suporta, nagbigay ang OCM sa pamamagitan ng Project TABANG ng bigas at iba pang suplay para sa mga kalahok, na ginamit nila sa paghahanda ng kanilang pagkain sa buong camp.


Layunin ng aktibidad na ihanda ang kabataan—mula sa kasaysayan ng pakikibaka hanggang sa hinaharap ng pamamahala.


Sa pakikilahok ng mga kabataan mula Brgy. Labungan at Brgy. Sifaran, patunay umano na ang kinabukasan ng BARMM ay nasa mga kamay na lubos na may kakayahan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page