top of page

ZPRAA 2026, NAGING MAAYOS AT MAPAYAPA Security forces, pinasalamatan ng gobernador

  • Apr 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinagawa ang security meeting kasama ang mga hepe ng kapulisan sa Taguime Hall, Basilan People’s Capitol sa Lamitan City noong Abril 15, 2026.


Pinuri ni Governor Mujiv Hataman ang Basilan PNP at buong security sector sa kanilang dedikasyon sa tungkulin na naging susi sa kaayusan ng ZPRAA 2026.


Ayon sa gobernador, bunga rin ito ng pagtutulungan ng iba’t ibang sangay at ahensya ng pamahalaan at ng komunidad.


Tinalakay rin sa meeting ang pagpapaigting ng seguridad sa lalawigan upang mapanatili ang kaayusan sa Basilan.


Hinimok ni Hataman ang publiko na maging mapagmatyag, alerto, at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa mas ligtas na lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page