top of page

Zumba for Peace: Fostering Unity, Wellness, and Harmony in Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagsama-sama ang mga residente mula sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur-kabilang ang mga kababaihan, kabataan, matatanda, kawani ng gobyerno, at mga lider-komunidad sa isinagawang Zumba session para sa kapayapaan, kalusugan at pagkakaisa sa probinsya.


Ang Zumba for Peace: Fostering Unity, Wellness, and Harmony in Maguindanao del Sur ay hindi lamang umano nagtaguyod ng pisikal na kalusugan, kundi naghatid din ng makapangyarihang mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa.


Bukod sa masayang sayawan, naghatid din ng kasiyahan ang pamimigay ng iba’t ibang raffle prizes para sa mga masuwerteng kalahok, na nagpalakas pa lalo ng diwa ng selebrasyon.


Ipinakita nito ang malasakit ng pamahalaang panlalawigan na gawing makabuluhan at mas nakakaengganyo ang mga pampublikong pagtitipon.


Binigyang-diin ni Governor Datu Ali Midtimbang na ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng hidwaan, kundi ang pagkakaroon ng mga karanasang nagbubuklod sa mga tao.


Ayon sa kanya, ang pagpapaunlad ng mental at pisikal na kalusugan, pagkakaisa ng lipunan, at aktibong pakikilahok ng mamamayan ay mahalagang sangkap upang makamit ang isang mapayapa at maunlad na Maguindanao del Sur.


Sa pamamagitan ng mga inisyatibang gaya ng “Zumba for Peace”, ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ang patuloy na adbokasiya para sa inklusibong kapayapaan at kalusugan, habang isinusulong ang isang mas masigla, masaya, at higit na nagkakaisang komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page